Sunday, December 14, 2008

’Marvelous Pacquiao’ Bibinyagan

Wala na nga sigurong mahihiling pa si Manny Pacquiao sa kanyang ika-30 kaarawan sa Disyembre 17, 2008.

Naipanalo niya ang sinasabing pinakamalaking laban sa ibabaw ng ring - - isang 8th round TKO - - kay Oscar De La Hoya noong Disyembre 6 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

Ang naturang laban ay humakot din ng bilang sa ‘pay-per-view’ - - kaya’t maaari na nating sabihing si Pacquiao na ang bagong hari ng PPV sa larangan ng boxing.

Bukod ditto, wala nang kuwestiyon sa pagiging ‘P4P (pound-for-pound) king’ ni Pacquiao.

Sa pagtatapos ng taon, inaasahan nating kay Pacquiao rin igagawad ang iba’t ibang karangalan - - isa na rito ang ‘upset fight of the year.’

Ano pa nga ba ang mahihiling ng isang Manny Pacquiao?

Ahh, wala na.

Sa bisperas ng kanyang kaarawan (Disyembre 16), isang paboksing ang inihanda ni Pacquiao sa kanyang mga kababayan sa Gen. Santos City.

Tampok ang sagupaang Ruel Laguna at Jake Verano.

Dito rin bibigyagan ang sinasabing bagong alaga ni Pacquiao, si ‘Marvelous Pacquiao.’

Sasalang na bilang professional boxer si ‘Marvelous Pacquiao,’ na dapat sana’y napasabak na noong Disyembre 6 bilang undercard sa Pacquiao vs Oscar De La Hoya sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, pero nagkaroon ng problema sa pagkuha ng US visa.

Ang naturang boksingero ay sinasabing ‘very talented’ at former national amateur medallist, na mula sa pamilya ng boksingero, na hanggang ngayon ay namamayagpag pa sa larangang ito.

At hindi susugalan ni Pacquiao ang boksingerong ito kung walang ibubuga.

Siya’y walang iba kundi ang anak ni Dodie Boy Penalosa.
-Philippine Boxing News

0 comments:

About Philippine Boxing | Filipino Boxing

This new site is all about Philippine boxing. Featuring the latest boxing news, articles about Filipino boxers, schedules of boxing matches, boxing trivia in the Philippines and more. We will endeavor to give you accurate and relevant articles and news about the boxing scene in the Philippines.

The Latest Sports News

Philippine Boxing


Template: Ourblogtemplates.com | 2008-2010 © Philippine Boxing www.filipinoboxing.com | Resources | Privacy Policy

Back to PAGE TOP